Wednesday, September 6, 2017

Bienvenido a Ilocos


       Ang Ilocos ay isang perpektong destinasyon dahil ito ay tumutukoy sa dalawang lalawigan: Ilocos Sur at Ilocos Norte na matatagpuan sa hilagang bahagi ng bansa.

           Ang Ilocos Sur ay kilala bilang Heritage province, kung saan maaari mong bisitahin ang  lumang village(century old village) sa Vigan, ang kabisera ng Ilocos Sur kung saan ito ay matatagpuan sa western coast of the large island of luzon at tinaguriang isa sa 7 world's wonders cities. 

        Sa kabilang banda, ang Ilocos Norte ay kilala bilang lugar ng kapanganakan ng dating Pangulong Marcos. Ito ay kilala rin bilang isa sa destinasyon ng turista sa panahon ng tag-init.


QUIRINO BRIDGE 


 

              Ito ang unang istasyon para sa aming paglalakbay sa Ilocos. Ang sikat na tulay ng Quirino, isang atraksyong panturista at sumisimbolo ng Ilocos Sur. Isa sa pinakamatibay na tulay at isa sa magandang tanawin para kumuha ng larawan sapagkat naipapakita nito ang mahusay na arkitekturang disenyo ng tulay.


                                PAOAY CHURCH


  
             Kilala rin bilang Simbahan ng San Agustin, ang Simbahang Paoay ay matatagpuan sa Bayan ng Paoay, Ilocos Norte. Isa ito sa apat na simbahang baroque ng Pilipinas na napabilang sa talaan ng Pamanang Pandaigdig ng UNESCO dahil sa “pambihirang estilong pang-arkitektura na halimbawa ng pag-aangkop ng Europeong Baroque sa Pilipinas ng mga artesanong Intsik at Filipino.”

 BANGUI WINDMILLS



           Ang isa sa mga kailangang makita na lugar sa Ilocos ay ang Bangui Windmills sapagkat  ang mga laki nito ay sadyang nakakahanga malamig ang simoy ng hangin kaya nakakarelaks lalo na ang mga tanawing nakapalibot dito. Ito ay naitayo bilang ang hangin ang nagsisilbing pinakasuplay ng kuryente sa lugar.


                         SAND DUNES




   "Ang bawat butil ng buhangin ay kamangha-mangha, at ang bawat isa ay may isang kuwento nais sabihin. "

                   
      VIGAN HERITAGE VILLAGE



              Ang Vigan City ay masasabing ang pinakapinagmamalaki ng Pilipinas at hinirang ito bilang isa sa New 7 Wonder Cities of the World. Ang lugar na ito ay itinuturing bilang isa sa pinakamagandang lugar na halimbawa ng isang planned Spanish colonial town sa Asya na naisama sa listahan ng World Heritage dahil sa napakahalagang kulturang nakapaloob o makikita dito.


Bienvenido a Ilocos

        Ang Ilocos ay isang perpektong destinasyon dahil ito ay tumutukoy sa dalawang lalawigan: Ilocos Sur at Ilocos Norte na matat...