Ang Ilocos Sur ay kilala bilang Heritage province, kung saan maaari mong bisitahin ang lumang village(century old village) sa Vigan, ang kabisera ng Ilocos Sur kung saan ito ay matatagpuan sa western coast of the large island of luzon at tinaguriang isa sa 7 world's wonders cities.
Sa kabilang
banda, ang Ilocos Norte ay kilala bilang lugar ng kapanganakan ng dating
Pangulong Marcos. Ito ay kilala rin bilang isa sa destinasyon ng turista sa
panahon ng tag-init.
QUIRINO BRIDGE
Ito ang unang istasyon para sa aming paglalakbay sa Ilocos. Ang
sikat na tulay ng Quirino, isang atraksyong panturista at sumisimbolo ng Ilocos
Sur. Isa sa pinakamatibay na tulay at isa sa magandang tanawin para kumuha ng
larawan sapagkat naipapakita nito ang mahusay na arkitekturang disenyo ng tulay.
PAOAY CHURCH
Kilala rin bilang Simbahan ng San
Agustin, ang Simbahang Paoay ay matatagpuan sa Bayan ng Paoay, Ilocos Norte.
Isa ito sa apat na simbahang baroque ng Pilipinas na napabilang sa talaan ng
Pamanang Pandaigdig ng UNESCO dahil sa “pambihirang estilong pang-arkitektura
na halimbawa ng pag-aangkop ng Europeong Baroque sa Pilipinas ng mga artesanong
Intsik at Filipino.”
BANGUI WINDMILLS
Ang
isa sa mga kailangang makita na lugar sa Ilocos ay ang Bangui Windmills
sapagkat ang mga laki nito ay sadyang nakakahanga malamig ang simoy ng
hangin kaya nakakarelaks lalo na ang mga tanawing nakapalibot dito. Ito ay
naitayo bilang ang hangin ang nagsisilbing pinakasuplay ng kuryente sa lugar.
SAND DUNES
"Ang bawat butil ng buhangin ay
kamangha-mangha, at ang bawat isa ay may isang kuwento nais sabihin. "
Ang Vigan City ay
masasabing ang pinakapinagmamalaki ng Pilipinas at hinirang ito bilang isa sa
New 7 Wonder Cities of the World. Ang lugar na ito ay itinuturing bilang
isa sa pinakamagandang lugar na halimbawa ng isang planned Spanish colonial
town sa Asya na naisama sa listahan ng World Heritage dahil sa napakahalagang
kulturang nakapaloob o makikita dito.









